Manila, Philippines – Aabot sa 80 percent mula sa mahigit 500 establisiyimento sa El Nido, Palawan ang papatawan ng notice of violation dahil sa iba’t-ibang paglabag sa environmental laws.
Batay sa pag-aaral ng Provincial Environmental Management Office (PEMO), mataas ang presensiya ng coliform o dumi sa dagat sa Bacuit Bay sa El Nido.
Ilan sa mga nasabing establisyimento ang walang discharge permit habang ang iba naman ay walang environmental compliance certificate.
Nakasaad sa batas, na nasa P10,000 hanggang P200,000 kada araw ang multang ipapataw sa mga lumabag sa batas hangga’t hindi ito naaayos.
Ayon kay Atty. Gil Acosta, provincial information officer, nakasalalay sa lokal na pamahalaan ang pagsiguro na may basehan ang pagbibigay ng permit sa mga establisimyento.
Pero paliwanag ni El Nido Mayor Niever Rosento, 2017 pa ay may mga hinainan na silang notice of violation dahil sa umano’y paglabag sa environmental laws ng mga ito.
Itinigil na rin aniya niya ang pagbibigay ng permit sa mga nakatayong istruktura sa lugar.