Manila, Philippines – Binalaan ni BOC Commissioner Isidro Lapeña ang mga opisyal at kawani na kurap at sumusuway sa kanyang kautusan na may paglalagyan sila.
Ang babala ay ginawa ni Lapeña matapos na bumuo ng Anti-Corruption Unit ang ahensiya bilang tugon na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang lahat ng uri ng korapsiyon sa BOC.
Ayon kay Lapeña ang Interim Internal Affairs and Integrity Unit ay pangunahing mandato nito ay upang sugpuin ang mga illegal na gawain ng mga opisyal at kawani ng BOC na nagkakamal ng limpak limpak na o pagsasamantala sa kanilang mga posisyon.
Paliwanag ni Lapeña na tungkulin ng itinatag na Anti-Corruption Unit ay tanggapin, imbestigahan at humanap ng mga ebidensiya patungkol sa mga reklamo laban sa BOC personnel.
Isasalang din ng binuong Anti-Corruption Unit sa lifestyle checks ang mga BOC personnel na inirereklamo at ito rin ang magsasagawa ng pag-aaral o rekomendasyon sa mga iniimbestigahan ng ahensiya.
Upang mapalakas ang mga kaso, ang binuong Anti-Corruption Unit ay tutulong ang Office of the Ombudsman, National Anti-Corruption Commission ng Office of the President at Revenue Integrity Protection Service ng Department of Finance.