Manila, Philippines – Ayon kay Senate President Tito Sotto III, mayroon ng 15 personalidad na pinagpipilian ang kinakaaniban niyang Nationalist People’s Coalition o NPC para maging pambato sa 2019 senatorial elections.
Pero 11 lang ang pinangalanan ni Sotto na kinabibilangan nina re-electionist senators Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay, Sonny” Angara, JV Ejercito at Koko Pimentel.
Kabilang din sa listahan ng NPC sina Deputy Speaker Pia Cayetano, dating Senador Jinggoy Estrada at Lito Lapid, Bureau of Corrections Chief Ronald “Bato” dela Rosa at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Tumanggi muna si Sotto na pangalanan ang iba pang nasa listahan dahil isinasapinal pa ito.
Facebook Comments