Manila, Philippines – Apat na linggo ng Nobyembre o sa November 4, 11, 18 at 25 isasagawa ang 2018 bar exams sa University of Santo Tomas sa Maynila.
Sa abiso ni Bar Confidant at Supreme Court Deputy Clerk of Court Atty. Maria Cristina Layusa, political at international law ang bar exam coverage sa umaga ng November 4 habang labor law at social legislation naman sa hapon.
Sa ikalawang linggo ng exam, o sa November 11, civil law sa umaga habang taxation law naman sa hapon.
Sa ikatlong linggo, entro ng bar exam ang mercantile law sa umaga habang criminal law sa hapon… at sa huling linggo ng bar exams sa November 25, remedial law ang sa umaga habang legal and judicial ethics at practical exercises naman sa hapon.
Paalala ni Atty. layusa sa mga kukuha ng Bar, 100 percent na essay-type questions ang bar exams.
Nagsimula na rin kahapon na mag-isyu ang Korte Suprema ng bar exam permits sa mga bar examinees.