Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naniniwalang masama ang Political Dynasties sa bansa.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng pagsusulong ng Pederalismo kung saan isa ang political dynasty sa mga pinag-uusapan ng binuong Constitutional Consultative Committee.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang paliwanag ni Pangulong Duterte sa kanyang posisyon ay hindi naman lahat ng political dynasty ay masama dahil minsan ay mayroon din itong mabuting naidudulot.
Pero sinabi ni Roque na ipinauubaya na nila ito sa Consultative Committee at umaasa din naman aniya sila na ikokonsidera ng Kamara ang mga mabubuong rekomendasyon ng nasabing komite.
Facebook Comments