Manila, Philippines – Nakitaan ng probable cause ng House Justice Committee ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa batong 38-2, sinabi ng komite na may sapat na batayan para iakyat sa impeachment court ang kaso, batay sa apat na grounds sa reklamong inihain ni Atty. Larry Gadon.
Kabilang dito ang culpable violation of the constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.
Tanging sina 6th Dist. Rep Kit Belmonte at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-Ao ang bumoto ng “no”.
Una nang pinalagan ni Representative Bag-Ao ang mosyon ni Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc na i-declassify o ilabas at gawing ebidensya ang impormasyon sa executive session kaugnay sa psychological test ni Sereno, pero ito ay pinayagan ng komite.
Agad naman aayusin ng Committee on Justice ang committee report o resulusyon kasama na ang mismong articles of impeachment na siyang pagbobotohan sa plenaryo ng Kamara.
Itinakda ang botohan sa March 14, araw ng Miyerkules.