MAY SABWATAN DAW | Pilipinas, kumalas na sa Rome Statute na siyang bumuo sa International Criminal Court

Manila, Philippines – Kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statue. Ang Rome Statue ay isang treaty na kumikilala sa kapangyarihan ng International Criminal Court kung saan signatory ang Pilipinas noong 1998. Sa inilabas na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang March 13, 2018, iginiit ni Pangulong Duterte na mayroong sabwatan sa bahagi ng United Nations Special Rapporteurs na palabasin siyang walang puso at tahasang lumalabag sa karapatang pantao. Patunay daw dito ang libu-libong biktima ng extra judicial killings sa bansa. Maliban dito ay maaga ring isinapubliko ng ICC ang preliminary examination na lumikha ng impresyon na siya ay kakasuhan sa ICC dahil sa serious crimes na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon. Malinaw ayon sa Pangulo na lahat ng aksyong ito ay paglabag sa due process at constitutional presumption of innocence. Sinabi pa ni Pangulong Duterte na sa pag-upo pa lang niya bilang Pangulo ng bansa ay kapunapuna nA mayroong pag-atake ang UN at kanilang special rapporteurs, hindi lang laban sa kanyang pagkatao kundi sa buo niyang administrasyon.



Facebook Comments