Manila, Philippines – Lalo pang hinigpitan ng Bureau of Immigration (BI) ang profiling sa mga dayuhang pumapasok sa bansa lalo na ang mga galing sa Middle East.
Kasunod ito ng sunod-sunod na pagpasok sa bansa ng mga Middle Eastern National gamit ang mga pekeng Belgian at Spanish passport na ginagawang transit hub ang Pilipinas para makapunta sa United Kingdom.
Una nang dumulog ang BI sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng imbestigasyon partikular ang posibleng sabwatan ng ilang airline at airport employees sa international human trafficking syndicate.
Sa nakalipas na tatlong linggo, sampung mga dayuhan na kinabibilangan ng pitong Iranians, isang Somalian at dalawang Chinese ang naharang ng mga tauhan ng B-I sa Naia.
Agad namang ipinadeport ang mag-iinang Iranian dahil pawang menor de edad ang dalawang bata habang nakakulong pa rin ang pitong iba pa.