Las Vegas – Kinansela ng Canadian superstar na si Celine Dion ang kanyang concert sa Las Vegas.
Kailangan kasing sumailalim ng singer sa ear surgery matapos na makaranas ng Patulous Eustachian Tube.
Ayon kay Dion, hindi na kinaya ng gamot ang kanyang kondisyon at pinangangambahang lumala kung hindi siya mao-operahan.
Kaya sa halip na sa March 27 hanggang April 18, itinakda na lang sa May 22 ang kaniyang concert na gaganapin sa The Colosseum sa Caesars Place.
Humingi naman ng paumanhin ang singer sa mga nag-book pa ng biyahe papuntang Las Vegas para mapanuod ang kanyang show.
Samantala, si Dion ay may dalawang araw na concert din sa Pilipinas sa July 19 at 20 sa Mall of Asia Arena.
Facebook Comments