MAY SCHEDULE | Panibagong Oplan Tokhang ng PNP, hindi na gagawin sa gabi at week-end

Manila, Philippines – Bawal ng magtokhang ang mga tauhan ng PhilippineNational Police-Drug Enforcement Group sa gabi at week-end.

Ito ay batay sa inilabas na guidelines ng PNP para sa Oplan Tokhang Operation.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, sa bagong guidelines, inoobiliga na ang Police Tokhang Teams na gawin ang tokhang operation mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula araw ng Lunes hanggang Biyernes.


Dapat rin aniyang nakasuot ng PNP uniform ang Police Tokhang teams na pamumunuan ng isang Police Commissioned Officer.

Kung available, hinihikayat ng PNP ang kanilang mga kasamahan sa DEG na gumamit ng body camera at iba pang video recording gadgets upang maayos na mai-dokumento ang drug operation.

Hindi na rin mandatory o hindi na oobligahin ang mga sumusukong drug suspects na kunan ng mugshots at fingerprint.

Mapapatawan naman ng parusa ang sinumang pulis na lalabag sa PNP Supplemental Operational Guidelines sa ilalim ng PNP Disciplinary Mechanism.

Facebook Comments