Morocco – Halos magunaw ang mundo ng isang Moroccan man matapos na madiskubreng sterile siya sa buong buhay niya.
Ibig sabihin, wala siyang kakayahang mag-produce ng sperm cells para magkaanak.
Pero ang mas nakakagulat rito, 35 years na siyang kasal at 35 years na siyang nagpapaka-ama sa siyam nilang mga anak!
Nadiskubre ng Moroccan man ang tungkol dito matapos siyang sumailalim sa routine health checkup na pina-double check pa niya sa medical specialist ng President of the First Instance Court.
Matapos ang pag-iimbestiga, nakumpirma nilang totoo ang mga sinabi ng kanyang urologist.
Dahil dito, kinasuhan niya ang kanyang misis ng adultery at agad na pinawalang bisa ang kanilang kasal habang pinatanggal din niya ang kanyang responsibilidad sa siyam na inakala niya na kanilang anak.