Dahil sa pagdami ng basura sa lungsod ng Dagupan patuloy rin ang pagdami ng peste sa Malimgas Public Market na inaaksyunan ang pagsugpo nito ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMO.
Ayon kay Davidson Chua Admin Researcher Planner ng CDRRMO ang madalas na pagdami ng peste sa Malimgas ay ang pagdami ng basura at kakulangan sa paghihiwalay ng basura sa nabubulok at hindi nabubulok. Dahil dito dumarami rin ang daga, ipis at iba pa na maaring makaapekto sa kalusgan ng mamimili at mga nagtitinda.
Isa sa mga paraan ng ahensya ay ang pest and infection control sa naturang palengke at upang maresolba ang problema tinuturuan ang bawat owner ng establisiyemento ng mga paraan sa pagdami ng basura at tutukan ang paghihiwalay ng basura.