MAY SOMETHING? | Arci Muñoz, tinawanan lang ang balitang may relasyon sila ng bokalista ng bandang Incubus

Manila, Philippines – Itinanggi ngayon ng aktres na si Arci Muñoz ang lumalabas na balita na may relasyon umano ito sa vocalist ng bandang Incubus na si Brandon Boyd.

Kumalat kasi ang tsismis matapos amg-post si Arci ng picture na nasa VIP area ng gabing nag-concert ang Incubus sa Araneta Coliseum.

Dahil dito, ilang netizen ang nagkomento na may something sa kanila ni Boyd kaya’t nakakuha ito ng VIP access.


Pero say ni Arci, kaibigan niya kasi ang bassist ng banda na si Ben Kenney at ang DJ na si Kimore kaya siya nakanood sa nasabing concert.

Bukod dito, isinama ni Arci ang buong banda sa concert ng rapper na si Nelly sa Cove Manila kung saan nag-enjoy naman sila bago tumungo ng Japan para sa isa pang concert.

Sa huli, natawa na lamang si Arci sa nagpapakalat ng balita pero muli nitong iginiit na happy at contended siya sa boyfriend na si Anthony Ng.

Facebook Comments