MAY SOMETHING? | Ruru Madrid at Bianca Umali, spotted sa isang restobar sa Japan

Umuugong ngayon ang balita na may “something” kina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Nabatid kasi na spotted together ang dalawa sa isang restobar sa Nagoya, Japan.

Hindi rin ito ang unang beses na nakita sina Ruru at Bianca na magkasama dahil ilang minsan na rin silang nakita ng mga fans at netizens na gumigimik simula pa noong August.


Bukod pa diyan, nito lamang nakaraang linggo ng magpalagay ng matching tattoos ang dalawa.

Sinasabing parehong single ang dalawa pero napabalitang nakarelasyon ni Bianca ang onscreen partner nito na si Miguel Tanfelix habang minsan na ring na-link si Ruru kay Maureen Wroblewitz ang winner ng 2018 Asia’s Next Top Model subalit itinanggi ito ng aktor.

Facebook Comments