Manila, Philippines – Walang sovereignty o titulo ang Pilipinas sa Benham Rise pero mayroon namang sovereign rights ang bansa.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang pahayag ng China noong may 2017 na hindi maaaring angkining teritoryo ng Pilipinas ang Benham Rise.
Kasama sa sovereign rights ng Pilipinas ay ang magdesisyon kung anong bansa ang papayagan nitong magsagawa ng scientific research sa naturang lugar.
Una nang kinumpirma ni Roque na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumayag sa hiling ng China na magsagawa ng scientific research sa Benham Rise.
Ito ay sa kondisyong susundin ng China ang maritime laws ng bansa at iba pang kinakailangang kondisyon kabilang ang pagsama ng isang Filipino scientist sa pagsasagawa ng pag-aaral.