Manila, Philippines – Magkakasama ngayon sa Camp Crame ang isang daan at animnaput pitong mga Police Provincial Directors, City Director, Chief of Police sa Metro Manila at mga Regional Public Safety Batallion Commander.
Ito ay matapos na ipatawag mismo ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde upang talakayin ang mga mahahalagang usapin.
Ayon kay Albayalde, kahapon pa nasa Camp Crame ang mga PNP Commanders nationwide na ngayon ay dumadalo sa isang conference na tinawag na Commanders time.
Pinaguusapan aniya sa conference ang mga paala sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations, internal cleansing at ang mga paghahanda para sa gaganaping plebesito sa Mindanao at gaganaping 2019 midterm election.
Umaasa si Albayalde na sa pagtatapos ngayon araw ng dalawang araw na conference ay mas maitatak sa mga pnp commander ang tinatawag na accountability.
Nais ni Albayalde na ang mga PNP Commanders na ito ang magpapakalat ng mga impormayson patungkol sa mga nais niyang pagbabago sa field.
Sa ngayon kasi aniya kaliwa at kanan pa rin ang pagkakasangkot sa katiwalian ng ilang pulis kaya nararapat aniyang nabibigyang pansin.