MAY TSANSA | Sinibak na si Dating Transporation Asec. Mark Tolentino, maaring patawarin ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Maaring patawarin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinibak na si dating Transportation Asec. Mark Tolentino.

Ito ay matapos humingi ng tawad si Tolentino dahil sa pakikipag-usap nito sa kapatid ng Pangulo hinggil sa Mindanao Railway Project.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – mapagpatawad naman ang punong ehekutibo pero maninindigan ito na masisibak sa pwesto ang lumalabag sa kanyang direktiba na hindi dapat makipag-ugnayan sa kanyang mga kamag-anak.


Maging halimbawa ang nangyari kay Tolentino na wala sinuman sa kamag-anak ng Pangulo ang manghihimasok sa anumang government contract.

Facebook Comments