Manila, Philippines – Ilalabas ngayong araw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang resulta ng kanilang aerial inspection kahapon sa bulkang Mayon.
Ayon kay Maria Antonia Bornas, hepe ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng PHIVOLCS, nakitaan nila ng mga uka ang gilid ng mayon dulot ng patuloy na pagdaloy ng lava.
Sinabi naman ni PHIVOLCS Resident Volcanologist Ed Laguerta, hindi pa nila matiyak kung kailan o mauuwi ba sa major eruption ang bulkan.
Nananawagan din ang PHIVOLCS sa mga residente na huwag pakialaman ang mga instrumento nilang nakakabit sa paanan ng bulkan.
Una na kasi nilang nadiskubre na ninakaw ang ilang kagamitan sa remote station nila sa Padang, Legazpi City.
Facebook Comments