Manila, Philippines – Binabantayan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang bulkang Bulusan sa Sorsogon at bulkang Kanlaon sa Negros.
Ito ay matapos makitaan ng senyales ng volcanic activity.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – nakapagtala ng ilang volcanic earthquakes malapit sa mga nasabing bulkan.
Aniya, mayroong tyansa na magkaroon ng mas marami pang pagyanig sa Bulusan.
Sinabi naman ni PHIVOLCS Director Renato Solidum, walo ang aktibong bulkan sa bansa kabilang dito ang Mayon, Taal, Kanlaon, at Bulusan.
Pagtitiyak ng PHIVOLCS na normal lamang sa nasabing mga bulkan na magkaroon ng mga volcanic activity.
Facebook Comments