MAYABONG NA EKONOMIYA | Mga Chinese businessmen, hinikayat ng Pangulo na mamuhunan sa bansa

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng Chinese na bukas ang Pilipinas para sa kanilang mga negosyo.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte kanina sa Boao Forum for Asia ay binigyang diin g Pangulo na sa kabila ng kinakaharap ng hamon ng bansa at hindi ito magpapaawat sa paglago.

Binanggit ng Pangulo na naghahanap ang Pilipinas ng mga responsableng partners para sa paglago ang ekonomiya ng bansa.


Ipinagmalaki din ni Pangulong Duterte na pinadali na ng kanyang administrasyon ang proseso ng pamumuhunan ng mga dayuhan at pinaganda ang peace and order situation sa bansa para madagdagan pa ang pumapasok na negosyo sa Pilipinas.

Tiniyak din naman ni Pangulong Duterte na hindi na makalulusot ang anomang katiwalian upang hindi na maging hadlang sa mga negosyante.

Naniniwala din naman si Pangulong Duterte na sa pagpasok ng mga mamumuhunan mula sa ibang bansa ay magkakaroon ng oportunidad ang mga masisipat at talented na manggagawang Pilipino.

Facebook Comments