Dapat na pag-aralang mabuti ng kongreso ang panukalang batas na nagbabawal at nagpaparusa sa mga “balimbing” sa pulitika.
Noong agosto nang inihain ni house senior deputy speaker gloria macapagal-arroyo ang house bill 488 na layong palakasin ang “political party system” sa bansa.
Pero ayon sa political analyst na si atty. Michael yusingco, bamaga’t maganda ang intensyon, dapat na ikonsidera pa rin ng mga mambabatas ang mga ‘unintended consequences.’
Kung pagbabawalan kasi ang mga pulitiko na lumipat ng partido, marami ang maaaring tumakbo na lang bilang independent na kadalasan pa ay mayayamang negosyante na nakisawsaw lang sa pulitika.
“Kasi ang pwedeng mangyari, wala na lang sasali sa political parties, lahat ay tatakbo na lang bilang independents. Ang mangyayari niyan e, ang mamamayagpag yung mga mayayaman lang na kandidato, yung may mga pera lang katulad ng mga developers, yung may mga negosyo na subdivision development. So, kailangang pag-aralan ng mas masusi because we want to avoid unintended consequences na in the end, makakasama pa rin sa pulitika natin,” giit ni Yusingco sa interview ng RMN DZXL 558.
Naniniwala naman si yusingco na ginagamt lang ng mga political dynasty ang mga partido politikal para sa pansarili nilang interes.
Kaya kahit hindi eleksyon, dapat aniyang suriin ng mga botante kung ang sinusuportahan nilang partido ay kumikilos talaga nang naaayon sa kanilang mga adbokasiya at prinsipyo.