Maybahay ni Gov. Roel Degamo, naglabas ng sama ng loob sa ilang miyembro ng media

Naglabas ng sama ng loob si Pamplona Mayor Janice Degamo laban sa ilang kagawad ng media.

Partikular ang aniya’y pagkunsinti ng ilang tauhan ng media kay suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.

Pinapatulan pa aniya ng iba ang pagiging comic at ang mga pagsayaw-sayaw ni Teves sa social media.


Sinabi ni Degamo na hindi kasi nararamdaman ng iba ang sakit na pinagdadaanan nila matapos ang Pamplona massacre.

Hindi naman napigilan ng ilan sa kaanak ng mga nasawi sa masaker at maging ng mga survivor ang maglabas ng saloobin dahil sa mga pagbabago sa kanilang buhay.

Anila, hindi na sila makakilos ng normal at makapaghanapbuhay dahil sa limitado na ngayon ang kanilang galaw.

Facebook Comments