#MayForever: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ikakasal na

1651
Images from IG/Matteo Guidicelli

Kumpirmadong forever’s not enough ang pagmamahalan ng magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Kasunod ito ng rebelasyon ng nakakabatang kapatid ni Guidicelli na ikakasal na ang actor-turned-army reservist sa binansagang Asia Popstar’s Royalty.


Sa Instagram stories ni Paolo nitong Huwebes, inamin niyang isang taon nang engaged ang long-time sweethearts.

From Paolo Guidicelli’s IG story.

Aniya, “Congrats. They were engaged for about a year now. It was just a secret.”

Naging hot topic kagabi sa social media ang mga litratong pinost ni Guidicelli kung saan makikitang may suot na diamond ring si Geronimo.

Sa isa pang larawan, makikitang tila sinasakal ng batikang mang-aawit ang nobyo habang todo-ngiti.

 

View this post on Instagram

 

I love you my love, now and forever. ❤️

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

Nakasaad sa Instagram post ng racer ang linyang “I love you my love, now and forever.”

Bumaha naman ng pagbati sa comment section ng aktor mula sa mga kaibigan, kapwa-artista, at mga tagahanga.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 500,000 likes ang anunsyo ni Guidicelli kaugnay sa naturang engagement.

Facebook Comments

From Advertisers