Maymay, thankful matapos siyang i-feature sa isang Dubai fashion magazine

Thankful ngayon ang model / actress na si Maymay Entrata sa suporta ng kaniyang mga fans mula dito sa Pilipinas hanggang sa ibang bansa.

Nabatid kasi na nagmistulang princess in the palace si Maymay sa cover ng XPEDITION na isang Dubai-based luxury lifestyle at fashion magazine.

Suot ni Maymay ang isang couture creation ng Pinoy designer sa Dubai na si Furne One Amato.


Habang kinuha naman ni Rozen Antonio ang super slaying pictures ni Maymay sa Palazzo Versace.

Bukod dito, nagpasalamat din si Maymay sa mga tumulong na maabot ang kanyang pangarap kung saan maging ang ilang co-stars nito ay napahanga din niya dahil sa pagiging professional pagdating sa modeling.

Facebook Comments