Maynila, walang naitalang damage matapos ang malakas na lindol

Walang naitalang anumang pinsala sa ilang mga imprastraktura ang lokal na pamahalaan ng Maynila matapos ang naganap na magnitude 6.3 na lindol kaninang alas-10:19 ng umaga.

Ligtas din ang mga pasyente sa kada hospital.

Pansamantala namang pinatigil ang biyahe ng LRT-1 habang sinusuri ang linya ng riles nito para masigurong walang pinsala.


Ang tanggapan naman ng Manila City Hall, Department of Justice, Supreme Court, National Bureau of Investigation at iba pang ahensya ng pamahalaan ay mabilis na sinuri saka pinabalik ang mga empleyado makaraang masiguro na ligtas na ang mga ito.

Naitala ang Intensity IV sa lungsod.

Facebook Comments