Maynilad at Manila Water, bukas sa pag-review ng gobyerno sa kanilang concession agreement

Bukas umano ang Maynilad at Manila Water sa pag-review ng kanilang concession agreement sa gobyerno.

 

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Office of the Solicitor General (OSG) at Department of Justice (DOJ) na silipin at repasuhin ang lahat ng mga kontratang pinasok ng gobyerno kasama na ang sa Maynilad at Manila Water.

 

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Maynilad na naniniwala sila sa kasagraduhan ng kontrata sa gobyerno.


 

Handa naman daw sila sa review ng kanilang mga obligasyon sa ilalim ng concession agreement na ginagawa rin naman daw ng MWSS.

 

Habang ayon kay Manila Water spokesperson Jeric Sevilla – handa rin silang makipag-usap sa Malacañang.

 

Kaugnay nito, target ng DOJ na silipin ang mga probisyon ng concession agreement na dehado ang gobyerno at publiko.

Facebook Comments