Nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na gusto pa rin nila na ang Maynilad at Manila Water ang humawak ng water distribution sa Metro Manila.
Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat, hinihintay pa rin nila ang sagot ng dalawang Water Concessionaire sa Renegotiation sa pagpapalawig ng Concession Agreement ng dalawang kumpanya at ng gobyerno.
Pero aminado si Salamat, na malaking tulong kung ang Maynilad at Manila Water pa rin ang mamamahala sa tubig sa Metro Manila.
Sakaling hindi pumayag ang dalawang kumpanya sa bagong kontrata, posibleng mapaso ang kasunduan sa 2022.
Facebook Comments