Maynilad at Manila Water, may bawas-singil sa tubig simula Marso 21

Magpapatupad ng bawas-singil ang Maynilad at Manila Water sa Marso 21 ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems (MWSS).

Ito ay kasunod ng pagtanggal ng 12% na value-added tax (VAT) sa monthly bill ng mga konsyumer.

Ayon kay MWSS Regulatory Office chief Patrick Ty, local at franchise tax na lang ang ipapataw sa water bill kasunod ng pagpasa ng legislative franchise ng 2 concessionaire.


Tinatayang nasa 9.1% hanggang 10% ang mababawas sa water bill, depende sa lokasyon ng consumer dahil magkakaiba ang binayarang local tax sa kada siyudad at nasa P7 hanggang P89 din ang mababawas sa buwanang bill, depende sa laki ng konsumo.

Ang Maynilad ang nagseserbisyo sa west zone ng Metro Manila at Cavite habang Manila Water naman sa east zone at Rizal province.

Facebook Comments