Maynilad at Manila Water, sisimulan na ang pagbabasa ng metro at paghahatid ng bill sa Hunyo

Sa Hunyo 1, 2020, uumpisahan na ng mga water concessionaires na Maynilad Water Servinces Inc. at Manila Water Company Inc. ang meter reading at bill delivery.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office, sakop nito ang mga nasa lifeline at non-lifeline consumers.

Ang mga lifeline consumers ay mga kumokonsumo ng 10 cubic meters o mababa pa sa loob ng isang buwan, habang mga non-lifeline consumers ay mga kumokonsumo ng lagpas sa 10 cubic meters.


Matatandaang sinuspinde ng Maynilad at Manila Water ang onsite billing activities at meter readings nito dahil sa ipinatupad na lockdown sa Luzon mula nitong Marso.

Ang water consumption sa loob ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), mula March 17, 2020 hanggang May 31, 2020 ay iko-compute base sa average consumption ng konsumidor para sa nakalipas na tatlong buwan bago ang lockdown.

Facebook Comments