Maynilad at Manila Water, walang dagdag-singil hanggang sa dulo ng 2022

Good news para sa publiko.

Walang magiging dagdag singil sa tubig hanggang sa dulo ng taong 2022.

Batay sa bagong kasunduan ng gobyerno at dalawang water concessionaires na Maynilad at Manila Water, ituturing ng public utility ang dalawang kumpanya.


Ibig-sabihin, hanggang 12% lamang ang pwede nilang taunang kita.

Bawal na ring ipasa sa kanilang mga consumers ang corporate income tax, Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) at limitado na lamang ang ipapasang inflation rate.

Sakali namang may hindi pagkakasundo, sa lokal na lamang ang paresolba at hindi na idadaan sa international arbitration.

Sa ngayon, may limit na rin porsyento na pwedeng itaas sa water rates kada limang taon simula 2023.

Iiral ang bagong kasunduan simula November 18 at tatagal ng 15 taon o hanggang sa taong 2037.

Facebook Comments