Maynilad, bibigyan ang mga customer ng panahon para bayaran ang transitional bill

Bibigyan ng panahon ng Maynilad Water Services Inc. ang kanilang mga customer na bayaran ang kanilang water bills.

Ito’y matapos maipagpatuloy ng water concessionaire ang meter reading noong June 1.

Ayon kay Maynilad Business Area Spokesperson Zmel Grabillo, ang mga customer ay makakatanggap ng isang printed bill ngayong buwan na tatawaging ‘transitional bill’ kung saan makikita ang aktwal na konsumo para sa buwan ng Marso hanggang Mayo, kasama rin ang aktwal na konsumo para sa buwan ng Hunyo.


Makikita sa transitional bill ang total water consumption sa cubic meters, ang monthly breakdown, ang monthly bill amount, ang nakaraang hindi nabayarang amount, ang total amount due, at payment due date.

Ang mga lifeline customers ay ang mga kumokonsumo ng 10 cubic meters o mababa pa, mayroong hanggang August 31 para bayaran ang kanilang bill.

Ang mga Non-lifeline customers ay mayroong hanggang July 31.

Facebook Comments