
Nagsagawa ang Maynilad ng Health and Wellness Program sa Pasay City ngayong araw.
Layon nitong maghatid ng iba’t ibang libreng health at hygiene services para sa mga residente.
Ayon sa Maynilad, mayroong medical mission, libreng check-up, consultation, at pamimigay ng gamot sa tulong ng mga ospital sa ilalim ng MVP Group.
Nakalinya rin ang kanilang Wash Up (Mobile Shower) kung saan may libreng mobile shower facility na may kasamang sabon at shampoo, na ginagamit din ng Maynilad sa mga lugar na apektado ng kalamidad o emergency upang makatulong sa mga evacuees at komunidad.
Mayroon ring libreng bakuna laban sa trangkaso mula sa Pasay City LGU bilang espesyal na bahagi ng aktibidad sa Pasay ngayong Sabado.
Unang inilunsad ang programa noong Nobyembre 2024 sa Caloocan City bilang bahagi ng WASH initiative ng Maynilad.
Ngayon, pinalawak na ito sa iba’t ibang lungsod tulad ng Pasay upang mas marami pang mamamayan ang makinabang sa mga serbisyong pangkalusugan at pangkalinisan.









