Aabot sa 2.9 million katao ang maaapektuhan ng pagkawala ng suplay ng tubig dahil sa pipe re-alignment activity ng Maynilad sa Cristobal Street sa Maynila.
Ayon kay Maynilad water supply operations head Ronald Padua, partikular na maaapektuhan ang mga residente sa Las Piñas, Makati, Manila, Parañaque, Pasay, Bacoor, Cavite City, Imus maging sa munisipalidad ng Kawit, Noveleta at Rosario sa Cavite.
Tatatagal ito ng 25 hanggang 85 oras na magaganap mula October 25 hanggang 28.
Pinapayuhan naman ang mga apektadong kostumer na mag-ipon ng sapat na tubig na magagamit sa oras na umiral na ang water service interruption.
Nakahanda naman ang mga water tankers ng Maynilad na para mag-deliver ng malinis na tubig kung kinakailangan.
Sa ngayon, humihingi na ng paumanhin ang ahensiya dahil sa abalang maidudulot nito sa publiko.