Muling nagpatupad na naman ang Maynilad Water Services Inc. ng water service interruption sa kanilang mga customer.
Nagsimula na kahapon at tatagal pa hanggang bukas, December 7 ang isinagawang water interruption.
Base sa inilabas na public statement ng kumpanya, ito ay dahil pansamantalang ibinaba ang water production ng La Mesa Treatment Plant 2 na nagsimula kagabi upang bigyang-daan ang urgent maintenance works na nakansela matapos ang naging epekto ng Bagyong Ulysses.
Apektado sa water interruption ang mga lugar sa Caloocan City, Valenzuela City, Quezon City, Meycauayan at Obando sa Bulacan mula alas-10:00 ng umaga kahapon hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa December 7.
Facebook Comments