Maynilad, naglaan ng P10.5-bilyon para sa pagtatayo ng sewage treatment facility

Maglalagay pa ng isang sewage treatment plant ang Maynilad Waters Services Inc sa Caloocan, Malabon at Navotas City.

Layon ng water reclamation facility na mapahusay pa ang sanitation conditions sa tatlong lugar at makakatulong sa treatment ng 205 million liters ng wastewater kada araw.

Ayon kay Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez, kabuuang P10.5-bilyon ang inilaan ng Maynilad para itayo ang pasilidad sa may 16-hectare lot sa kahabaan ng Dagat-dagatan Avenue Extension sa Barangay Maypajo, Caloocan City.


Kapag natapos ang proyekto ito na ang pinakamalaking sewage treatment plant ng Maynilad.

Maglalatag din ang water concessioner ng  85 kilometers ng  sewer lines na dadaluyan ng wastewater mula sa mga kabahayan at eestablisimiento sa tatlong lungsod para makarating at ma-treat sa bagong treatment facility.

Facebook Comments