Maynilad, pinag-iingat ang publiko laban sa scammer na nagpapanggap na kanilang empleyado

Nagbabala ang Maynilad Water Services Inc. sa kanilang consumers laban sa mga taong nagpapanggap na kanilang empleyado o authorized agent.

Sa isang abiso, sinabi ng water concessionaire na mag-ingat sa mga taong nagbabahay-bahay at naniningil ng water bill o nanghihingi ng bayad para hindi maputulan ng tubig.

Paglilinaw ng Maynilad, hindi otorisadong maningil o mangolekta ng payment ang sinumang indibidwal maging ang Maynilad employees at service providers nito.


Anila, bukod tanging ang mga authorized payment channels lamang ang maaaring tumanggap ng bayad para sa Maynilad water bill.

Facebook Comments