Inaksyunan na ng Metropolitan Waterways and Sewerage System (MWSS) ang mga reklamo ng mga costumers sa ginawang water service interruption ng Maynilad Water Services.
Ito’y kasunod ng paghalo ng makapal na putik sa tubig na nanggagaling sa Ipo Dam nang kasagsagan ng pananalsa ng Bagyong Ulysses.
Pinagpapaliwanag ng MWSS Regulatory Office ang Maynilad kung bakit hindi sila dapat maparusahan bunga ng idinulot na perwisyo.
Binibigyan ng hanggang ngayon linggo ang naturang water concessionaires upang magharap ng paliwanag.
Pinaglalatag din ang Maynilad ng mga hakbang upang hindi na maulit ang naturang perwisyo sa mga customers.
Noong Novermber 16, naglabas din ng Notice to Explain ang regulatory office upang pagpaliwanagin ang maynilad sa kabiguang abisuhan ang mga customers na mag-imbak ng tubig bago tumama ang bagyo.
Ito’y dahil inaasahan na pala ang paglabo ng tubig dahil sa paghalo ng putik na magreresulta sa kakulangan ng water production sa kanilang treatment plant.