Mayor Faustino Michael Dy ng San Manuel Isabela, Nanindigan na Walang Mayor sa Isabela na Sangkot sa Iligal na Droga!

San Manuel, Isabela- Nanindigan si Mayor Faustino Michael Dy ng bayan ng San Manuel Isabela na walang mayor sa lalawigan ng Isabela na sangkot sa illegal na droga.

Iginiit pa ng mayor na hindi nangangamba sa mga naganap na pagpaslang sa mga lokal na opisyal ng bansa kamakailan.

Aniya may rason umano kung bakit pinatay ang mga biktima at sila ay nasa ilang lugar lamang.


Ganunpaman isang pulong umano ngayong araw ang isinagawa ng League of Municipalities of the Philippines Luzon Cluster sa Davao City kasama ang National Directorate ng LMP upang gumawa ng isang resolusyon kaugnay sa mga naganap na patayan ng mg local executives.

Sa ngayon ay naghihintay pa lamang umano ang Isabela Chapter ng payo kaugnay sa resulta ng pulong sa Davao City.

Samantala si Mayor Faustino Michael Dy ng bayan ng San Manuel Isabela ay Presidente ng League of Municipalities of the Philippines, Isabela Chapter.

Facebook Comments