Mayon evacuees na tinamaan ng acute respiratory infections, umabot na sa higit 1k

Pumalo na sa 1,624 na Mayon evacuees ang tinamaan ng acute respiratory infections, sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon Health Undersecretary Enrique Tayag, ang mga nasabing kaso ay naitala lamang niyong June 12 hanggang July 16.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), ang tinamaang evacuees ay nakaranas ng ubo, sipon, at pananakit ng lalamunan.


Sa kabila nito, tiniyak naman ng kagawaran na tututukan nila ang kaso upang walang mangyaring hawaan na posibleng maging resulta ng isang outbreak.

Facebook Comments