Friday, February 13, 2026

Mayon Volcano, dalawang beses na nagbuga ng abo kaninang umaga

Sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, naitala ang insidente ng pagbuga kaninang umaga.

Kung saan dalawang beses na nagbuga ng abo ang bulkan alas-8:21 at alas-8:27 kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aabot sa 50 metro ang taas ng naibugang abo at napapadpad kanluran-timog-kanluran.

Samantala, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 352 na rockfall events at siyam na Pyroclastic Density Current o Uson ng Bulkang Mayon sa loob ng 24 oras.

Bukod pa rito, namataan din ang pagdaloy ng lava sa mga gullies ng bulkan kabilang ang Basud, Bonga, Mi-isi.

Samantala, nasa 3749 na tonelada ng sulfur dioxide o asupre ang naibuga ng bulkan.

Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano kung saan ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone.

Facebook Comments