Mayor Alfred Romualdez, padadalhan ng show cause order ng DILG matapos sumingit na magpabakuna laban sa COVID-19

Padadalhan ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez upang pagpaliwanagin kung bakit nauna siyang binakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing, kailangan nilang malaman ang panig ng alkalde bago sila magsagawa ng kaukulang aksyon.

Nais malaman ng DILG kung direktang binalewala ng alkalde ang protocol sa pagbabakuna.


Base sa naunang kautusan ng National Task Force on COVID-19, tanging mga healthcare workers ang unang babakunahan, susunod ang mga senior citizens at ihuhuli ang mga government officials.

Kung mapapatunayan na mayroong paglabag ang alkalde ay agad silang gagawa ng aksyon laban dito.

Facebook Comments