Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping, pareho ng fingerprints

Inihayag ngayon ni Senator Risa Hontiveros na kinumpirma na sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) na pareho ang fingerprints nina suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang Chinese na si Guo Hua Ping.

Ayon kay Hontiveros, ang pagiging pareho ng fingerprints nina Mayor Guo at Guo Hua Ping ay nagpapatunay na iisa lamang sila.

Kinukumpirma rin aniya nito na totoo ang pinaghihinalaan niya noon pa na si Mayor Alice o si Guo Hua Ping ay isang pekeng Pilipino.


Sinabi pa ni Hontiveros na malaking insulto dito sa mga botante ng Bamban, sa intitusyon ng gobyerno at sa bawat mamamayang Pilipino.

Tiwala si Hontiveros na ito na ang pinakamabigat na ebidensya para palayasin na sa pwesto si Mayor Alice.

Si Guo Hua Ping ang nakalagay sa Special Investors Resident Visa (SIRV) application ni Lin Wenyi, isang Chinese national din at ang hinihinalang biological mother ni Mayor Guo.

Facebook Comments