Mayor Alice Guo, imposibleng maging “state witness” -Sen. Gatchalian

Nilinaw ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi maaaring gawing “state witness” si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa mga krimen na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Ayon kay Gatchalian, imposibleng gawing state witness si Guo dahil hindi naman siya ang “least guilty” sa POGO crimes.

Punto ng senador, si Guo ang sentro ng Hongsheng POGO hub sa Tarlac dahil siya ang nag-apply ng “Letter of No Objection” at iba pang permits sa LGU.


Malaki aniya ang papel ni Guo sa operasyon ng mga POGO lalo’t lahat ng dokumento ay nakapangalan sa alkalde.

Tinukoy pa na ang tanging kwalipikado na maging “state witness” ay dapat “least guilty” sa nangyaring krimen.

Facebook Comments