Mayor Ampatuan, kusang sasailalim sa 90-days voluntary suspension ng Sandiganbayan

Pinayagan ng Sandiganbayan si Shariff Saydona Mustapha Mayor Datu Sajid Ampatuan ng Maguindanao na sumailalim sa 90-days voluntary suspension.

Sa limang pahinang desisyon ng 3rd division ng anti-graft court, pinapayagan si Ampatuan sa desisyon nitong hindi humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan sa loob ng 90 na araw.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Ampatuan na boluntaryo siyang susunod sa nakasaad na preventive suspension sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.


Nahaharap si Ampatuan sa kaso ng ghost purchase umano ng palay, mais, buto at fertilizer sa Tamoni Enterprises na nagkakahalaga ng P98.2 milyon noong Hunyo 2009.

Facebook Comments