Mayor at Vice Mayor ng Batuan, Masbate, wanted dahil sa pagtatago ng mga iligal na armas

1396

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad si Mayor Charmax Jan Altajeros Yuson alias “Mac-mac” at vice mayor Charlie Deroma Yuson III alias “Bodgie/Bigboss” ng munisipyo ng Batuan, Masbate dahil sa kasong illegal possesion of firearms.

Sa report ni PNP Spokesperson Police Supt. Bernard Banac ipinatupad ng ibay ibang unit ng PNP sa Masbate ang search warrant laban sa nasabing mga suspek kaninang 6:30 ng umaga.


Narekober sa bahay ni Mayor Yuson sa Brgy. Canvañez ang isang Bushmaster M16 rifle, isang Fragmentation Grenade at isang magazine.

Nakuha naman sa beachhouse ni Vice Mayor Yuson sa nasabing lugar ang isang Baby M16 rifle, dalawang 12 gauge shotgun, isang cal .45 Colt pistol at isang hand grenade.

Habang Isang nagngangalang Jeason Clemente Cabantac ang naaresto sa operasyon.

Bukod sa Mayor at Vice Mayor, pinaghahanap din Ang isang Barangay kagawad na kinilalang si Severo Escote Basas alias “Beroy”, kaugnay ng paglabag sa RA 10591.

Sinabi pa ni Banac na ang matagumpay na operasyon na ito ay resulta ng pinalakas na law enforcement campaign ng PNP sa tulong ng mga taga-Masbate.

Facebook Comments

From Advertisers