Mayor Baldo na itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Batocabe, tatambakan ng mga kasong administratibo ng DILG

Manila, Philippines – Inihahanda na ng DILG ang administrative cases na isasampa nila laban kay Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay.

Sa harap ito ng pagkakadiin ni Baldo bilang utak sa pagpatay kay Ako Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, isasampa nila ang mga kasong administratibo laban kay baldo sa Office of the Ombudsman.


Kasabay nito, hihilingin din nila sa Ombudsman ang agarang pagpapalabas ng preventive suspension laban sa Alkalde.

Kabilang sa mga kasong inihahanda ng DILG legal team laban kay Baldo Ay conduct unbecoming of a public official, grave abuse of discretion, at acting contrary to the interest of the public.

Una nang kinasuhan ng pnp ng double murder at six counts ng multiple frustrated murder ang grupo ni baldo sa Albay Provincial Prosecutor’s Office.

Facebook Comments