Mayor Baste Duterte, humingi ng sorry kay Sen. Imee Marcos

Humingi ng sorry si Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte kay Senator Imee Marcos matapos na hingiin ng alkalde ang pagbibitiw ni Pangulong Bongbong Marcos.

Si Sen. Marcos ay dumalo sa prayer rally sa Davao City kung saan matapos nito ay sinabi ni Mayor Baste na magresign na ang kanyang kapatid na Pangulo kung wala na itong pagmamahal para sa bansa.

Ayon sa senadora, lumapit sa kanya si Mayor Baste at paulit ulit na humingi ng paumanhin sa kanya matapos ipanawagan ang pagbibitiw ng Pangulo.


Sinabi ni Sen. Marcos na nauunawaan naman niya ito dahil nangangamba ang Mayor na maaaring ikulong ang kanyang ama at ate at nababagabag ang damdamin nito.

Sa tanong naman kung ano ang reaksyon ni Sen. Marcos nang paratangan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na drug addict ang kanyang kapatid na pangulo, ang naging tugon ng mambabatas ay nakakaloka at hindi na siya kasali sa isyung ito.

Facebook Comments