Mayor Bautista, Nilinaw ang Alegasyon na Tinanggihan Umano ng Provincial Hospital ang Namatay na Bata

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ni Mayor Arnold Bautista ng Bayan ng Tumauini, Isabela na hindi tinanggihan ng pamunuan ng Governor Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital sa 11-anyos na bata na isinugod sa nasabing pagamutan.

Ayon kay Bautista, hindi totoo ang alegasyon ng pamilya ng biktima na tinanggihan ang bata kundi sinuri pa rin ito at binigyan ng paunang lunas hanggang sa kinailangang dalhin sa Cagayan Valley Medical Center dahil sa malubhang sitwasyon ng bata hanggang sa bawian ito ng buhay.

Dagdag pa ng alkalde, batay sa pakikipag-ugnayan nito sa ‘QUE Clinic’ kung saan unang dinala ang bata para masuri ay napag-alaman na Severe Pneumonia ang naging assessment ng klinika kaya’t minabuti nitong irefer sa Provincial Hospital.


Giit pa ng opisyal na walang kinalaman ang corona virus sa kalagayan ng bata taliwas sa napabalitang tinanggihan ng ospital dahil sa nagtataglay umano ito ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments