Hinikayat na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mag aaral na maging proactive at responsable para sa pangangalaga ng kalikasan.
Ayon sa local chief executive, kailangang simulan ang pagbigay proteksyon sa kapaligiran sa murang edad pa lamang ng kabataan na isang paraan upang matiyak ang sustainable development ng Quezon City.
Aniya, kung lahat ng bata ay magtutulong-tulong sa pangangalaga at pagpo-protekta sa kalikasan, marami umanong magagawa.
Una nang nilagdaan ng Quezon City government, kasama ang Quezon City Police District, Parent-Teachers Association at Schools Division Office ang isang memorandum of understanding na magsusulong sa kahalagahan ng environmental protection sa mga mag aaral.
Layon ng programa na Project Batang Bayani and Teacher Magiting ay mapalakas pa ang kamalayan sa kapaligiran at pag-iwas sa mga kabataan sa krimen sa Quezon City.
Nakapaloob sa memorandum of understanding ang serye ng dayalogo at seminars na dadaluhan ng mga junior and senior high students sa pribado at pampublikong paaralan.