Mayor Belmonte, ikinalungkot ang pagkamatay ng isang senior citizen sa community pantry ni Angel Locsin

Ikinalungkot ni Mayor Joy Belmonte ang pagkasawi ng 67-anyos na si Rolando dela Cruz sa gitna ng pag-aantay sa matatanggap na ayuda sa birthday community pantry ng actress na si Angel Locsin.

Sa isang statement, sinabi ni Belmonte na sasagutin ng city government ang burial expenses ng pamilya Dela Cruz at makatatanggap din ng financial assistance.

Nauna nang humingi ng paumahin si Angel Locsin sa mga tao na hindi nakatanggap ng ayuda.


Gayunman, ayon sa pamunuan ng Barangay Holy Spirit, dapat sa pamilya Dela Cruz humingi ng apology ang aktres.

Facebook Comments